CLASS DISCUSSIONS
Educational Technology
Educational technology sometimes termed EdTech, is the study and ethical practice of facilitating e-learning, which is the learning and improving performance by creating, using and managing appropriate technological processes and resources. (Richey, 2008) The term educational technology is often associated with, and encompasses, instructional theory and learning theory.
Reflection
Malaki ang magagawa ng teknolohiya sa edukasyon lalo na sa panahon ngayon. Makikita naman natin na marami na ang mga bagong nagagawa at nabubuong mga gadgets para maging mabilis at madaling makagawa ng mga bagay ang isang tao. Nakakatulong rin ang mga teknolohiyang ito na makakita ng mga nakakaengganyong paraan para matuto ang isang bata. Mas nagugustuhan nila ang isang aralin kung gagamitin mo ang iba’t ibang teknolohiya. Mas madali nila itong naiintindihan.
Pinapahalagahan ko sa edukasyon ay ang pagkahilig ng mga bata sa pagkatuto. Kapag natutunan nila ito, sila na mismo ang gagawa ng paraan para matutunan ang mga bagay na mas mahirap ngunit importante dahil nagpapakita ito ng mga iba’t ibang nangyayari sa ating pang-araw-araw na buhay. Kaakibat nito ay ang paggamit ng teknolohiya sa kapaki-pakinabang na paraan at may kuneksyon sa edukasyon o aralin na dapat nilang matutunan.
Isa talaga tayo sa mga bansang nahuhuli pagdating sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Oo nga’t marami na rin sa ating mga guro ang gumagamit ng teknolohiya subalit nalilimitahan lamang tayo sa mga ilang aplikasyon nito katulad na lamang ng Powerpoint Presentations. Bukod dito, sa mga maunlad na lugar tulad ng Manila lamang nagagamit ito. Kung titingnan ang mga gilid o tagong bahagi ng ating bansa, marahil na hindi pa sila nakakakita ng mga bagong teknolohiya. Nakakalungkot mang isipin, kulang ang ating bansa sa pagpapalaganap ng paraan para magamit ng mga guro ang teknolohiya sa pagtuturo.
Bilang isa ako sa mga susunod na magiging guro, masayang gamitin ang mga teknolohiyang ito upang maging aktibo ang aking mga estudyante. Magiging paraan ko ito upang mas maayos ang pagtalakay ng mga aralin. Mahirap solusyunan kaagad ang pagpapalaganap ng impormasyon sa ibang lugar subalit maaari ko namang ibahagi o italakay ang iba’t ibang mga teknolohiya sa mga hindi pa nakakaalam nito. Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon sila ng kaalaman kung paano gagamitin ang teknolohiya sa edukasyon.

Educational Computing
Educational computing is a diversified area of study which is concerned with the design, implementation and assessment of computer-based technologies to enhance education and training. (Stony Brook University, 2012)
Reflection
Malaki talaga ang nagagawa ng teknolohiya sa bawat isa sa atin. Masasabi ngang ito’y kadalasang ginagamit sa larangan ng edukasyon. Isa ito sa mga instrumento upang mas nakakaengganyo ang mga aralin na matutunan ng isang indibidwal. Dahil nga ito ang isa sa mga ginagamit na instrumento sa edukasyon, mabilis ang pag-unlad nito upang mas madali at mas nakakaengganyo ang mga programa ng mga teknolohiya. Sa kabila nito, hindi naman lahat ng mga aplikasyon at pag-unlad sa teknolohiya ay ginagamit sa edukasyon. Masasabing nagiging napapagkitaan ito ng mga iba’t ibang kompanya. Maglalabas sila ng mga bagong klase ng teknolohiya sa magkakalapit na panahon. Ang magiging epekto nito ay yung bagong bili mo, magiging luma na kaagad dahil may mga bagong labas na teknolohiya na naman. Sa konteksto rin sa ating bansa, kakaunti lamang ang gumagamit ng teknolohiya. Ang mga nasa malalayong lugar ay hindi nakakaranas nito. Hindi man pang-akademiko ang kadalasang natutunan dito, pero isa ito sa mga paraan para tayo’y makaangkop sa mga nangyayari sa panahon ngayon.
Magandang isipin na ginagamit natin ang mga teknolohiya sa pagtuturo. Nagsisilbi na lang ang mga guro bilang facilitator sa kani-kanilang klase. Sa kabila nito, kailangan pa ring limitahan ang paggamit ng teknolohiya dahil hindi naman ng nakapaloob dito ay parte ng araling ituturo sa klase. Sa kabila nito, mukhang matagal-tagal pa itong mangyayari sa bansa. Libre nga lang naman mangarap. Malay rin natin na magkatotoo ito. Masaya rin isipin na magagamit ko ang iba’t ibang teknolohiya sa pagtuturo sa larangan ng Matematika. Sa tingin ko na mas magugustuhan at maiintindihan nila ang mga aralin kapag ginamitan ng teknolohiya. Makikita rin naman na kapag nagsabi ka ng teknolohiya sa mga bata ngayon, natutuwa kaagad sila at may enerhiya sila para intindihin ang mga aralin. Sa tingin ko lang, magandang isipin na ang bawat silid-aralan ay mga teknolohiyang maaaring gamitin para mas madali at mas nakakaengganyo ang mga pamamaraan ng ating pagtuturo.

Learning Theories
Learning theories are conceptual frameworks that describe how information is absorbed, processed, and retained during learning (Illeris, 2004). Cognitive, emotional, and environmental influences, as well as prior experience, all play a part in how understanding, or a world view, is acquired or changed, and knowledge and skills retained.
Reflection
May mga teorya na naman akong nagamit sa aking sarili at sa aking pag-aaral. Kadalasan kong napapansin ay ang teorya ng Behaviorist. Madalas ko kasing binibigyan ng gantimpala ang sarili kapag may mga natatapos ako na matagumpay. Ang simpleng pagkain sa labas at ang pagbili ng mga gusto ay mga kadalasang ginagawa ko sa sarili. Nagagamit ko rin naman ang teorya ng Constructivist. Hindi man madalas, masasabi kong epektibo sa akin ito lalo na kapag nag-aaral para sa mga eksamen. Mas madali kong naiintindihan ang mga aralin kapag may mga kasama akong nag-aaral. Nakakakuha rin ako ng mga ideya sa kanila kung ano ang mga dapat na gawin.
Para hindi masayang ang mga pinapag-aralan, kailangan natin itong isagawa. Bilang isang guro, maaari ko itong magamit sa pagtuturo. Maaari kong gamitin ito sa aking mga klase at pag-aralan ang mga epekto nito sa aking mga estudyante. Kailangan ko ring alamin ang dapat at tamang teoryang aking gagamitin upang mas maayos ang aming klase. Mag-oobserba ako sa kung saan bang teorya sila mas aktibo at maganda ang kanilang pinapakita.
Maaari sigurong sa tingin mo ay makakabuo ka ng bagong teorya ngunit sa tingin ko ay may nakaisip na ng mga teoryang gagawin mo. Marami nang mga eksperto ang nag-aral tungkol sa mga teoryang ito. Marahil na hindi lang nabigyang diin ang iyong karanasan pero nakapaloob pa rin ito sa teoryang iyon. Mas mabuti na alamin mo muna ang mga teoryang meron na tayo ngayon. Pagkatapos, pag-aralan muna kung ang iyong teorya ay bago at wala pang nakakakita o nakakapansin.

Trends and Issues in Edtech
Reflection
Masasabing maunlad na ang teknolohiya sa ating panahon. Marami na ang nagsusulputang mga bagong kagamitan na kung saan ay ating magagamit para mas mapadaling gumawa ng isang bagay. Bilang isang guro, maraming mga teknolohiya ang aking magagamit sa larangan ng edukasyon. Isang magandang halimbawa nito ang paggamit ng kompyuter na kadalasang ginagamit sa pagpepresenta ng mga aralin sa klase. Masasabi naman na lahat ng bagay na may koneksyon sa Internet ay magagamit at nagagamit sa pagpapalaganap ng edukasyon. Sa internet, nakakakuha ka ng mga impormasyon na magagamit mo tungkol sa inyong pinag-aaralan. Ilan sa mga halimbawa nito ay mga laptops, cellphones, IPod at IPad.
Marami ring mga isyu ang kinakaharap ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon. Sa kabila nito, kailangan masulusyunan ang mga problemang ito upang mas maging kapaki-pakinabang ang mga teknolohiya sa tamang paraan. Una sa mga isyu ay ang Digital Divide o ang hindi paglaganap sa lahat ng tao ng kaalaman tungkol sa mga bagong teknolohiya. Masasabi ngang hindi pa nabibigyang kaalaman ang karamihan sa atin lalo na sa mga liblib na lugar. Maaari tayong maglunsad ng mga programa na maghihikayat na magturo at mabigyan ng kaalaman ang mga walang alam sa teknolohiya. Pwede rin na gumawa tayo ng mga mas mura ngunit maganda ring mga kompyuter na magagamit nila upang mapag-aralan ang mga teknolohiya. Pangalawa sa mga isyu ay ang pagkakaroon ng Internet Addiction. Simple lang naman ang pwedeng gawin kapag nakakaranas ng ganitong kalagayan. Matutong dumisiplina at magtimpi sa mga dapat gawin. Kung wala pa rin, limitahan ang oras ng paggana ng Internet o ng kompyuter. Pangatlo ay ang mga isyu tungkol sa Plagiarism at Copyright. Marami ngang mga impormasyon ang mahahanap sa Internet subalit hindi naman maayos na kinukuha ang mga impormasyon na ito. Katulad sa libro, kailangan nating sabihin kung saan natin kinukuha ang mga impormasyon. Marahil rin na ang problema dito ay ang kawalan ng kaalaman tungkol sa Plagiarism. Kailangang gumawa ng mga programa na kung saan magtuturo na makaiwas sa pagkakaroon ng kaso sa Plagiarism lalo na sa mga estudyante. Ang huli ay cyber bullying o pananakit sa isang tao gamit ang Online Applications katulad ng Facebook. Masasabing tama ang sinasabi na “Think before you click” at samahan mo pa ng ingat sa mga ginagawa. Matutong mamili at mag-add ng kaibigan na kilala mo talaga. Pwede rin na gawing pribado ang iyong profile sa mga social networking sites. Ang susi naman sa mga ito ay tamang kaalaman sa mga iba’t ibang teknolohiya upang sa gayon magkaroon ng disiplina sa paggamit at maibahagi natin ito sa iba.

21st Century Learning and Teaching
Schools in the 21st century will be laced with a project-based curriculum for life aimed at engaging students in addressing real-world problems, issues important to humanity, and questions that matter.
This is a dramatic departure from the factory-model education of the past. It is abandonment, finally, of textbook-driven, teacher-centered, paper and pencil schooling. It means a new way of understanding the concept of “knowledge”, a new definition of the “educated person”. A new way of designing and delivering the curriculum is required.
We offer the following new definitions for “School”, “Teacher” and “Learner” appropriate for the 21st century:
Schools will go from ‘buildings’ to 'nerve centers', with walls that are porous and transparent, connecting teachers, students and the community to the wealth of knowledge that exists in the world.”
Teacher - From primary role as a dispenser of information to orchestrator of learning and helping students turn information into knowledge, and knowledge into wisdom.
The 21st century will require knowledge generation, not just information delivery, and schools will need to create a “culture of inquiry”.
Learner - In the past a learner was a young person who went to school, spent a specified amount of time in certain courses, received passing grades and graduated. Today we must see learners in a new context:
First – we must maintain student interest by helping them see how what they are learning prepares them for life in the real world.
Second – we must instill curiosity, which is fundamental to lifelong learning.
Third – we must be flexible in how we teach.
Fourth – we must excite learners to become even more resourceful so that they will continue to learn outside the formal school day.”

(21st Century Schools, 2008)
Reflection
Masasabi natin na sa panahon ngayon ay marami nang matutunan sa pamamagitan lamang ng paghahanap ng mga bagay na sumasagot sa interes ng isang tao. Maaari na may kailangan pa ng tulong ng mga may alam ngunit nagsisilbi na lang silang gabay sa pagkuha ng ideya sa mga gagawin. Katulad ng punto ng iba kong mga kaklase, malaki ang maitutulong ng teknolohiya sa larangan ng edukasyon. Sa kabila nito, kailangang may limitasyon ang paggamit nito. May mga ginagawa o mahahanap kasi dito na hindi naman ginagamit sa larangan ng edukasyon (ilan lamang dito ang mga ibang laro o libangan).
Kailangan na ang lahat ng mga programang nakalagay sa teknoohiya ay may koneksyon at angkop sa edukasyon o sa mga pinag-aaralan. Sinasabing pinapadali ng teknolohiya ang mga gawain upang mas mabilis makakuha ng resulta. Ganoon rin dapat ang epekto nito sa bawat indibidwal bilang isang mag-aaral. Kailangan rin itong maging instrumento upang mahikayat ang mga indibidwal na matutong mahalin ang pagkatuto ng mga bagay-bagay.

Instructional Media Resources
In the real classroom situation, students come in with diverse backgrounds and educational needs, they possess varied learning styles, applying just one method of teaching usually excludes many of the students in effectively learning, However, with the use of resources and instructional media, the varieties in the classroom situation can be catered for. Therefore, there is the need for the teacher to be acquainted with which resources are applicable for which subjects, learning style, special educational needs and so on. (Instructional Media and Resources)
Reflection
Malaki ang pinagkaiba ng tradisyunal at makabagong teknolohiya lalo na sa pamamaraan ng paggamit nito sa pagtuturo. Sa pagkakatanda ko nga noong bata ako, ibang-iba na talaga ang pinagkaiba ng pagtuturo. Kung dati, yeso at pisara ang gamit, ngayon naman ay napupuno na ng mga kompyuter at iba pang mga gadgets. Sa kabila nito, pareho namang may kagandahan at medyo hindi kagandahan ang tradisyunal at makabagong teknolohiya. Sa makaluma, maganda ang pinapakitang interaksyon sa mga estudyante. Masasabing mas maiintindihan ito ng bata dahil ginagamit ng guro ang kanyang puso’t isipan sa pagtuturo ng isang aralin. Sa kabila nito, masyado nang nagsasawa ang mga bata ngayon sa mga ganitong paraan. Dahil uso na nga ang makabago ngayon, hindi maiiwasan na nahihirapan natin ang atensyon ng bata gamit ang tradisyunal na pamamaraan. Sa makabago naman, madali nating makukuha ang kanilang atensyon dahil napapaligiran na tayo ng mga ganitong klaseng teknolohiya. Pero sa kabila rin nito, mahirap magbigay ng kontrol sa teknolohiya kaya’t hindi rin natin masasabi kung natututo na ang isang bata. Maganda pa rin ang pamamaraan na pagsamahin ang tradisyunal at makabagong teknolohiya. Sa ganitong paraan, balanse at may pagkakaiba-iba ang paraan ng pagtuturo. Mas magiging aktibo at masaya ang klase.
Malaki na ang epekto sa akin ng teknolohiya sa panahon ngayon. Mas napapadali ang paghahanap ng mga kailangan ko. Madali ko ring napapanuod at napapakinggan ang mga gusto ko. Nagiging daan rin ito sa pakikisalamuha sa mga kaibigan ko. Nagsisilbi ko ring itong paraan para sabihin ang aking mga saloobin. Mas madaling nakakagawa ng mga takdang gawain gamit ito. Mabilis natatapos ang mga bagay-bagay. Nadagdagan rin ang pamamaraan kung paano ituturo sa mga estudyante gamit ang teknolohiya. Isa rin itong paraan upang makasabay ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Sa kabila nito, nagiging paraan rin ito upang maging hadlang sa mga nakatakda kong gawain. Kadalasan ngang hindi ko nagagawa ang dapat kong gawin kapag ginagamit ko ang teknolohiya. Kailangan lang talagang matuto kung paano ang tamang paraan ang paggamit nito at siyempre kailangan mo ring alamin kung ano ang papahalagahan mo sa panahon na iyon.
Mas masaya sigurong gamitin ang teknolohiya sa mga palaro at mga gawain ng mga estudyante na may koneksyon sa aralin na aking tinuturo. Mas masaya kasing matuto ang isang bagay kapag sinasamahan ng teknolohiya. Nakikita ng mga bata na hindi lamang para sa pansariling kagustuhan lamang ang paggamit ng teknolohiya. Nakikita rin nila ang kabilang parte nito na ginagamit rin ito upang tayo’y matuto. Katulad rin ng sinabi ko kanina, mas madaling makuha ang atensyon ng bata kapag ginamitan ng teknolohiya. Isa itong paraan upang mas madaling matuto ang bata. Kaya ang nasa isip ko, tradisyunal na paraan na pagtuturo para maintindihan nila ang mga konsepto sa aralin at kasabay nito ang makabagong teknolohiya para sa mga takdang gawain ng aking mga estudyante.

Roles of Teachers and Students in EdTech and 21st Century Education
Effective teaching has to be fluid and adaptive to current culture. The effective teacher understands that there are core skills and knowledge that have to be learned, but must be presented in a manner that students find relevant, even if not in their immediate lives. This requires an art and a science to teaching that makes the teacher of the 21st Century effective.
The science of teaching requires content knowledge, organization, management skills, and detailed planning. The art of teaching is not about possessing an outgoing personality, but making connections to students, parents, as well as connecting the curriculum to the real world in a relevant manner. Thus the 21st Century teacher creates and maintains intentional relationships with her students, parents, and colleagues for the sake of tomorrow’s success. (Edutainer, 2010)

Makikita naman na malaki ang epekto ng bagong paraan ng pagkatuto sa panahon ngayon. Mas madaling makapaghanap ng mga impormasyon at lalong mas madali silang matutunan. May mga pagkakataon ring hindi malalaman kung tama ba talaga ang mga impormasyong ibinibigay sa atin. Sa kabila nito, marami pa rin akong nakikitang positibong epekto dito. Sa ganitong paraan kasi, mas maraming makikitang paraan kung paano maituturo ang mga aralin sa isang klase.
Kailangan alam ng mga guro kung paano gamitin ang teknolohiya sa pagtuturo. Hindi lamang sa alam niya kung paano gamitin yung teknolohiya. Alam rin dapat niya kung paano gagamitin ang teknolohiya sa pagtuturo. Sa ganitong paraan, kailangang makasabay ang mga guro sa kaalaman ng mga estudyante tungkol sa teknolohiya. Sa pagsabay nila dito, dapat magkaroon sila ng magandang ideya kung paano gagamitin ang teknolohiya sa pagtuturo.
Isa sa mga napakalaking tungkulin ng mga guro ay ang pagkatuto ng mga estudyante na mahalin ang pagkatuto. Napakalaking epekto nito sa mga estudyante pati sa mga guro. Ito ang pinakamagandang matutunan ng mga estudyante sa mga guro. Sa ganitong paraan, matututo ang mga estudyante na maghanap ng mga impormasyon sa mga araling aaralin. Naging inspirasyon pa ang guro sa kanilang estudyante. Maaari pa ngang mas marami na ang alam ng mga estudyante sa ganitong kondisyon.
Sa mga pagbabagong nangyayari sa ating paligid, kailangan nating makapag-isip at makagawa ng mga paraan upang tayo’y makasabay dito. Isa ito sa mga napakalaking problema at kailangang solusyunan ng mga guro. Matuto sanang makapag-isip ang guro ng iba’t ibang paraan kung paano nila ituturo ang kanilang aralin. Dito gagana ang pagiging malikhain ng mga guro. Kailangan na maisaalang-alang ang mga nangyayari sa panahon ngayon.
Sa paggawa ng plano sa pagtutro, kailangang balanse rin ang paggamit ng teknolohiya. Maaaring may mga panahon na hindi kayo gagamit nito. Sa kabila nito, kapag may mga pagkakataon naman na gagamit kayo ng teknolohiya, kailangan na matutunan rin ito ng mga wala pang masyadong alam tungkol dito. Karapatan rin naman nila na makisabay sa kasalukuyang panahon.