COURSE SYLLABUS
EDTECH 101: Instructional Media Resources
Second Semester SY. 2012-2013
Evaluation of Course Syllabus
Mabusisi ang binigay na Course Syllabus sa EdTech. Masasabi mo ngang wala ka nang tanong dahil nandoon na lahat ang mga kinakailangan niyong gawin sa buong semestre. Pero nakakagulat nga lang tingnan ito lalo na noong unang araw namin dito. Inaasahan ko nang maraming gagawin at mangyayari sa EdTech. Punong-puno ng mga gawain at kailangan ng lakas at sipag sa asignaturang ito. Maganda naman na binigay na kaagad ang mga gawain para makapaghanda na rin kami sa binigay na mga deadlines. Makikita rin dito ang mga pamamaraan kung paano ito ituturo. Naaangkop rin naman ito sa mga layunin ng nasabing asignatura. Bilang pangkalahatan, masasabi kong maayos na ang Course Syllabus. Maganda na detalyado na siya para wala na ring tanong ang mga estudyante.