LESSON PLAN WITH TECHNOLOGY INTEGRATION
SESSION GUIDE 1
Alikabuk: Panipi't Kuwit
SESSION GUIDE 2
Why?: Boy Cactus
SESSION GUIDE 3
Karen's World: Inggoistic
Reflection
Masasabi kong ito ang pinakamahirap na kailangan namin sa EdTech 101. Mahirap gumawa ng isang lesson plan lalo na kapag hindi naman ito ang major subject na kinukuha mo. Malaking hamon sa akin ang paggawa ng ganitong mga aralin. Isa pang hamon dito ay ang pagsama ng mga pagpapahalaga sa mga kagandahang-asal. Masasabi ko rin na maganda ang mga video na pinalabas sa amin. Nahirapan rin kami sa pagbuo ng bawat layunin ng bawat aralin. Lalo na rin sa pagbuo ng mga gawain ng mga estudyante na kailangang angkop sa layunin ng mga aralin. Gayunpaman, isa ito sa mga hakbang upang mas mahasa kami sa paggawa ng lesson plan na isang napakalaking parte ng pagiging guro. Kapag nasanay kami, mas madali na lang kami makakagawa at mas mapapaganda pa namin ang aralin sa pag-iisp ng mas magagandang mga gawain.
ASYNCHRONOUS ONLINE DISCUSSION
Reflection
Nakakatuwa na mayroon kaming ganitong klaseng discussion. Bukod sa nagagamit namin ang mga teknolohiya sa pag-aaral, nakakapagbigay rin kami ng kanya-kanyang mga suwestiyon ukol sa mga aralin na aming ginagawa. Nakakatulong ako sa iba na mapaganda pa nila ang kanilang aralin. Gayundin naman sa akin na napapaunlad namin ang aming aralin. May mga pagkakataon nga lang na nauulit na ang mga tanong dahil hindi na makita kung naitanong na ba ito sa sobrang dami ng mga posts sa folder. Nakikita rin ang limitasyon na nabibigay ng mga bawat aralin at video na naibigay sa amin. Nakakatulong ito upang mas mapaunlad pa ang aming kaalaman at karanasan sa pagbuo ng lesson plan.